Miyerkules, Enero 25, 2017

Ang Pakikipagsapalaran bilang Mag-aaral - Bullying

Ang Pakikipagsapalaran bilang Mag-aaral - Bullying


Image result for bullying







Takot ang araw-araw na nararamdaman ng milyun-milyong kabataan na biktima ng pang-aabuso ng mga siga. Ang iba namang mga kabataan ay biktima ng pambabastos.
Ang iba namang mga kabataan ay nililigalig ng kanilang mga kaeskuwela sa pamamagitan ng Internet. Naging biktima ka na ba ng ganitong pang-aabuso o pambabastos? Kung oo, ano ang puwede mong gawin sa ganitong mahirap na situwasyon?
Ang ilang siga ay sadyang nang-iinis dahil gusto nilang makita kung ano ang magiging reaksiyon mo.  Ang totoo, kapag ginantihan mo ng masama ang masama,’ para kang nagbubuhos ng gasolina sa apoy lalo lamang lalaki ang problema. Kapag pinag-iinitan ka, paano mo gagamitin ang iyong ulo, sa halip na makipagbasag-ulo?


Mga Bagay na Dapat Gawin Kapag na Napapaharap sa mga Sitwasyon Pambubully:


  • Huwag mapikon


Kung gusto ka lamang nilang gawing katatawanan, makitawa ka na lang din, sa halip na mapikon. Kung minsan, mas magandang huwag na lamang seryosohin ang masasakit na salitang sinasabi nila. Kapag napansin ng siga na bale-wala lang sa iyo ang pinagsasasabi niya, baka tantanan ka na niya.

  • Maging mahinahon.  

Tiyak na mabibigla ang isang siga kapag mahinahon ang sagot mo, at maaaring humupa ang tensiyon dahil dito. Totoo, hindi madaling manatiling malamig ang ulo kapag pinag-iinitan ka. Pero ito ang laging pinakamabuting gawin. Tanda ng kalakasan ang kahinahunan. Kontrolado ng isang taong mahinahon ang kaniyang damdamin. Sa kabaligtaran, ang isang siga ay walang tiwala sa sarili, mainitin ang ulo, at parang laging may gustong patunayan. 

  • Protektahan ang iyong sarili.


 Kung mainit na ang situwasyon, baka kailangan mo nang tumakas. Bago sumiklab ang away, umalis ka na. Kaya kung sa tingin mo ay sasaktan ka na nila, lumayo ka na o kaya’y tumakbo. Kung hindi ka makatakbo palayo, gawin ang lahat para protektahan ang iyong sarili.

  • Magsumbong.


Karapatan ng mga magulang mo na malaman ang nangyayari sa iyo. Mabibigyan ka nila ng praktikal na payo. Halimbawa, baka imungkahi nilang ipaalam mo sa iyong guro o sa gurong tagapayo ang tungkol sa pang-aabuso. Makatitiyak kang magiging maingat ang iyong mga magulang at ang mga guro sa paglutas sa problema para hindi ka lalong mapag-initan.
Sa madaling salita, matatalo mo ang mga nang-aabuso kung hindi mo sila papatulan. Kaya huwag kang magpaapekto sa kanilang pang-iinis. Sa halip, kontrolin mo ang situwasyon sa pamamagitan ng pagsunod sa nabanggit na mga mungkahi.

Mga Tips na Dapat Isaalang-alang Upang Mag-aral.

Mga Tips na Dapat Isaalang-alang Upang maging Matagumpay ang Pag-aaral:

Image result for studying student success anime

 

  • Humanap ng angkop na lugar para mag-aral. 



Dapat na tahimik ito, anupat hindi ka magagambala. Gumamit ng mesa, kung mayroon. Huwag buksan ang TV.

  • Unahin ang mahahalagang bagay.



Yamang mahalaga ang iyong pag-aaral, huwag kang manonood ng TV hangga’t hindi mo natatapos ang iyong takdang-aralin.

  • Iwasan ang kaugaliang ‘bukas na lang.’


 - Gumawa ng iskedyul kung kailan mo gagawin ang iyong takdang-aralin at sundin ito.

  • Magplano.


 - Alin sa iyong mga takdang-aralin ang uunahin mo? Alin ang susunod? Isulat ito sa papel, at ilagay kung hanggang anong oras mo gagawin ang bawat isa. Markahan ang natapos mo na.

  • Magpahinga. 


- Kung hindi ka na makapagtuon ng pansin sa iyong takdang-aralin, magpahinga sandali. Pero kapag nakapahinga ka na, bumalik din agad sa iyong ginagawa.


  • Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili



Tandaan, karaniwan nang nagiging mahusay ang isang estudyante hindi dahil sa talino niya kundi sa sipag niya sa pag-aaral. Maaari ka ring magtagumpay sa iyong pag-aaral. Gaya nga ng kasabihan, kapag may tiyaga, may nilaga.

-Maraming Salamat po!- 

Ang Pakikipagsapalaran Bilang Mag-aaral.

IPAGPALAGAY na nasa gitna ka ng isang masukal, makapal, at madilim na kagubatan. Halos walang tumatagos na sinag ng araw dahil sa mayabong na kakahuyan. Halos hindi ka makagalaw dahil napakasukal ng paligid. Kailangan mong gumawa ng mga paraan, o hakbang, para hawanin ang nasa harap mo at sa gayo’y makalabas ka sa kagubatang iyon.

Image result for dark forest anime alone
Sinasabi ng ilan na ganiyan ang buhay ng mga estudyante. Kung sa bagay totoo iyon, dahil maghapon na nga sila sa silid-aralan, taling-tali pa sila sa paggawa ng mga takdang-aralin sa gabi. Baka pinupursige ka ng mga magulang mo at ng iyong guro na pagbutihin mo ang pag-aaral sa subject na ito. Pero hindi naman nila ito ginagawa para pahirapan ka. Gusto lamang nilang gawin mo ang iyong buong makakaya. Pero paano kung sa kapupursige nila ay parang nasasakal ka na at halos hindi na makahinga? Kung gagawa ka ng paraan, o hakbang, makakalabas ka sa kagubatang iyon, wika nga.

Mga Hakbang na magagawa mo:

  • Maging interesado sa pag-aaral

Hindi ka gaganahang mag-aral kung wala kang interes na matuto. Kaya isipin mo kung paano makatutulong sa iyo ang pag-aaral. 


Related imageNagtitiyagang mag-araro ang magbubukid 
dahil alam niyang may aanihin siya. Pero baka hindi mo kaagad makita kung bakit mahalaga na magpursige ka sa pag-aaral. Dahil maaaring naiisip mo na hindi mo naman magagamit sa kasalukuyan ang lahat ng pinag-aaralan mo. Pero habang marami kang nalalaman hinggil sa iba’t ibang bagay, mas maiintindihan mo ang mundong ginagalawan mo. Tutulong ito sa iyo na maging “lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao,” anupat mapagbubuti mo ang iyong kakayahan na makipag-usap sa iba’t ibang uri ng tao. Mapasusulong din nito ang iyong kakayahang mag-isip na tiyak na magagamit mo sa hinaharap.

  • Magkaroon ng kumpiyansa sa iyong kakayahan.


 Maaaring malinang mo sa paaralan ang iyong angking talino. Siyempre, hindi naman tuwirang ibinigay sa iyo ng Diyos ang iyong husay sa pag-aaral. Pero bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng kani-kaniyang talento. Maaari kang tulungan ng paaralan na matuklasan at malinang ang mga iyon.
Kung iisipin mong hindi mo kayang pagbutihin ang iyong pag-aaral, mabibigo ka nga. Kaya kapag nasisiraan ka ng loob, magtuon ng pansin sa iyong mga kakayahan.

  •  Magkaroon ng mabuting kaugalian sa pag-aaral.


 Hindi ka puwedeng mag-shortcutKailangan mo talagang mag-aral. Totoo namang parang hindi nakakatuwang pakinggan ang salitang iyan. Pero kung mag-aaral ka, ikaw rin ang makikinabang. Ang totoo, sa kaunting tiyaga lang, maaari pa ngang maging kasiya-siya ito.
Para magkaroon ka ng mabuting kaugalian sa pag-aaral, kailangan mong gumawa ng iskedyul. Tandaan, bilang estudyante ,pag-aaral ang dapat unahin. Aral muna, bago laro. Huwag kang mag-alala hindi ka mauubusan ng panahon para sa paglilibang! May panahon sa lahat ng bagay.

Image result for dark forest success
Balikan natin ang ilustrasyon sa simula ng kabanatang ito. Kung nasa gitna ka ng isang masukal na kagubatan, kailangan mong gumawa ng paraan, o hakbang, para mahawan ang nasa harap mo at makagawa ng daan. Ganiyan din sa pag-aaral. Huwag mong isiping hindi mo kaya ang ipinagagawa sa iyo ng mga magulang mo at ng iyong guro. Gawin mo ang tatlong hakbang na tinalakay sa kabanatang ito para magtagumpay ka sa iyong pag-aaral. Matutuwa ka sa magiging resulta!