Mga Tips na Dapat Isaalang-alang Upang maging Matagumpay ang Pag-aaral:
- Humanap ng angkop na lugar para mag-aral.
- Dapat na tahimik ito, anupat hindi ka magagambala. Gumamit ng mesa, kung mayroon. Huwag buksan ang TV.
- Unahin ang mahahalagang bagay.
- Yamang mahalaga ang iyong pag-aaral, huwag kang manonood ng TV hangga’t hindi mo natatapos ang iyong takdang-aralin.
- Iwasan ang kaugaliang ‘bukas na lang.’
- Gumawa ng iskedyul kung kailan mo gagawin ang iyong takdang-aralin at sundin ito.
- Magplano.
- Alin sa iyong mga takdang-aralin ang uunahin mo? Alin ang susunod? Isulat ito sa papel, at ilagay kung hanggang anong oras mo gagawin ang bawat isa. Markahan ang natapos mo na.
- Magpahinga.
- Kung hindi ka na makapagtuon ng pansin sa iyong takdang-aralin, magpahinga sandali. Pero kapag nakapahinga ka na, bumalik din agad sa iyong ginagawa.
- Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.
- Tandaan, karaniwan nang nagiging mahusay ang isang estudyante hindi dahil sa talino niya kundi sa sipag niya sa pag-aaral. Maaari ka ring magtagumpay sa iyong pag-aaral. Gaya nga ng kasabihan, kapag may tiyaga, may nilaga.
-Maraming Salamat po!-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento